Speeches

Lourd De Veyra’s Little Book Of Speeches

May dalawang uri ng speakers – yung nanggigising at nanghehele. At wala man akong napakinggan ni isang speech ni Lourd na nasa librong ito, nagising pa din ako.

 

Yung gising na parang nakatira ng sobrang tapang na barakong kape na di ka na makatulog. Oo di na makatulog ang aking utak sa mga binasa kong salita sa librong ito.

 

Masyadong malaman, nakakaaliw at nakakainspire.

 

Yung tipong after mong basahin yung isang speech parang gusto mong itapon yung libro at makibaka.

 

Yung gusto mong buksan yung profile mo sa internet at linisin ito ng kung anong mga balbal at walang kwentang bagay.

 

Yung tipong gusto mong iresearch sinu-sino yung mga nabanggit nyang tao at yung mga gawa nila.

 

Yung tipong gusto mong simulan ang pag-aayos ng iyong pag-iisip. Hindi lang ito basta libro. Heto yung libro na nagbibigay kilos at gawa sa mambabasa. Masyadong nakakaaliw ang bawat speech na kahit obvious na ang panenermon eh maaaliw ka pa din. At talaga nga namang sagad to the bones ang mga panama. Kasi naman isa din ako sa milyong milyong millennials na tinutukoy niya.

 

Pero ang gusto ko sa lahat tungkol sa librong ito, nakakalimutan ko ang aking sarili. Yung tipong kapag may nabasa akong interesante titigil ka, titingin sa malayo at magninilay-nilay saka nalang ako tatango na oo nga no… pero…

 

Ang saya. Ang saya lang na naisipan nilang icompile ang lahat ng mga speeches ni Lourd sa isang libro. Para meron kang babalikan kapag bored ka na sa buhay mo. Kapag sabaw na sabaw ka na sa trabaho mo. Kapag sa tingin mo ligo na lang ang inilamang mo sa taong grasa. Heto yung pwede mong pagtripan para mainspire.

 

Nakakaadik. Kasi naman kahit san ako magpunta dala-dala ko ito at binabasa ko. Minsan pa nga sinikwat ko ito sa office namin at kapag sobrang bored at tapos na ko sa ginagawa ko, kukunin ko ito at pasimpleng magbabasa. Don mawawala ang boredom ko at maiinspire na kong magtrabaho ulit.

 

May samaligo din ata tong librong to. Kasi nagbibigay nga siya ng ibang powers sayo. At ang sarap ng feeling na masapian nito.

 

Maliban sa This Is A Crazy Planet, heto ang isa sa mga pinaka gusto kong libro ni Lourd. Swerte ko nga at una ko siyang nabasa ngayong taon.

 

Kakainspire lang.

 

Basahin mo din kung sabaw ka na sa trabaho, buhay or love life mo.

 

Favorite ko lahat pero ang lagi kong natatandaan ay yung “Sumayaw Ka Nalang” yung speech nya sa mga Masscomm Graduates sa UP nung 2014. Relate ako grabi. Kaya every year ko na ata binabasa to. Pinanood ko na din yung pangit na quality ng video sa internet.

 

P.S.

 

Ayaw kong tapusin yung book. Inuunti-unti ko. Wala na kasing kagaya nito eh. Pero sana magkabook 2. Sana talaga. O kaya makapagninja moves ako minsan sa mga live speeches nya. Sana. Sana talaga.

 

Ratings:

5 out of 5